Prologue

Prologue

Pagod na pagod akong lumabas ng pinto ng emergency room . Bitbit ang gamit ko , ang base na dala ko mula pa sa school .

Humakbang ako para sana sumakay sa elevator pababa pero bago papa man ako makagawa ng hakbang ay nakita ko siyang nakatayo sa bandang dulo ng parte ng hospital .

“ Babe … ” Nakita ko siya sa kabilang dulo ng hospital malapit sa emergency room kung saan ako nakaupo kanina .

“ Rio … ” muli niyang tawag , pero ngayon ay sa pangalan ko na .

Pagewang-gewang siyang humakbang ng dahan dahan sa harapan ko , gulo-gulo ang buhok at gusot ang damit . Wala sa sarili . Kahit hindi papa man siya nakakarating ng diretso sa pwesto ko , alam kong lasing siya dahil namumugto ang mata niya .

“ Mag-usap tayo , please , ” hinawakan niya yung braso ko na kaagad kong hinawi .

“ Bitawan mo ko . ‘Wag mo ‘kong hawakan , nandidiri ako sa’yo . ”

Naglakad ako papunta ng flame exit ng hospital para iwasan siya at lumayo sa ibang tao . Ayokong gumawa ng eksena at pagtignanan ng ibang tao dito .

Hindi siya natitinag . Sinundan niya ako hanggang sa huminto kami sa tapat ng pinto non . Mas lalo niyang idiniin ang sarili sa akin .

“ Please , talk to me … ” Muli niya akong hinawakan ngunit buong lakas ko siyang tinulak .

“ Wala tayong dapat pag-usapan . ” Pinagmasdan ko yung mga mata niyang may namumugtong luha . Gulo gulo yung suot niya pati na rin yung buhok niya .

Tuwing titignan ko siya , galit ang nararamdaman ko . Galit sa ginawa niya sa akin .

Nanginginig ang buong katawan ko , kinuyom ang kamao at pinakalma ang sarili at emosyong rumaragasa sa akin ngayon .

Gusto ko siyang saktan . Gusto ko siyang sampalin at suntukin para naman maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon pero pinigilan ko ang sarili .

He tried to hold me but I strongly pushed his hand forth from me .

“ Let ‘s fix this . Ayusin natin , p-please . ” Pagmamakaawa niya .

“ Wala tayong dapat ayusin dahil matagal na tayong sira . ”

Nagpapanggap na lang ako na hindi ako nasasaktan sa mga ginagawa niya dahil takot akong magkaroon ng lamat ang relasyon na matagal naming binuo .

But later on I recognize , matagal nang may anay sa pagitan ng pundasyon , matagal na ‘yong nabuwag—paunti-unting naubos … hanggang masira ng tuluyan .

God know how I try to write myself … Not to cry in front of him .

Dahan-dahan kong pinunasan ang luha na tuloy tuloy na bumubuhos sa mga mata ko . Kahit anong pilit ko wala …

Pwede slam gumising na lang na walang nararamdaman ? Na maglaho na lang lahat ng ito .

“ This cost the first time I asks for a favor . Mark , ngayon lang ! Sa dami ng pagkukulang mo … ”

Ayokong manumbat dahil pinili ko naman to , e. Dahil selection ko na unawain siya . Na intindihin siya sa madaming pagkakataon pero nakakapagod din pala .

“ You pick out to ignore me . You chose not to assist me . You basically choose her over me . ”

I never demand him to do things that out of his choices . Never akong nakihati sa oras niya . Wala siyang narinig na reklamo mula sakin simula nung magbago siya ng pakikitungo at ng mga inaakto nitong mga nakaraang buwan .

Promoted na mga Kuwento

Magugustuhan mo rin ang

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *